Martes, Hunyo 23, 2015

Talambuhay ni Rizal


Talambuhay ni Rizal


Si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda  (19 Hunyo 1861– 30 Disyembre 1896) ay isangPilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya ang tinitignan bilang pinakamagaling na bayani at tinala bilang isa sa mgapambansang bayani ng Pilipinas ng Lupon ng mga Pambansang Bayani.
Pinanganak si Rizal sa isang mayamang mag-anak sa Calamba, Laguna at pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at ng asawa nitong si Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila, at nakakuha ng diploma sa Batsilyer ng Sining at nag-aral ng medisina sa Pamantasan ng Santo Tomas sa Maynila. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Universidad Central de Madrid sa MadridEspanya, at nakakuha ng Lisensiya sa Medisina, na nagbigay sa kanyan ng karapatan sanayin ang medisina. Nag-aral din siya sa Pamantasan ng Paris atPamantasan ng Heidelberg.
Isang polimata si Rizal; maliban sa medisina, mahusay siya sa pagpinta, pagguhit, paglilok at pag-ukit. Isa siyang makata, manunulat, at nobelista na ang pinakatanyag sa kanyang mga gawa ay ang nobela ng Noli Me Tángere, at ang kasunod nitong El filibusterismo. Isa ring poliglota si Rizal, na nakakaunawa ng dalawampu't dalawang mga wika.
Itinatag ni José Rizal ang La Liga Filipina, isang samahan na naging daan sa pagkabuo ng Katipunan na pinamunuan ni Andrés Bonifacio, isang lihim na samahan na nagpasimula ng Himagsikang Pilipino laban sa Espanya na naging saligan ng Unang Republika ng Pilipinas sa ilalim ni Emilio Aguinaldo. Siya ay tagapagtaguyod ng pagkakaroon ng Pilipinas ng sarili nitong pamahalaan sa mayapang pamamaraan kaysa sa marahas na himagsikan, at susuportahan lamang ang karahasan bilang huling dulugan. Naniniwala si Rizal na ang tanging katwiran sa pagpapalaya sa Pilipinas at pagkakaroon nito ng sariling pamahalaan ay ang pagbabalik ng karangalan ng mga mamamayan, at kanyang winika "Bakit kalayaan, kung ang mga alipin ngayon ay magiging maniniil ng hinaharap?" Ang pangkahalatang napagsang-ayunan ng mga dalubhasa sa buhay ni Rizal ay ang pagbitay dito ang naghudyat upang magsimula ang Himagsikang Pilipino.
    
     Bagamat ang mga ninuno ni Rizal sa ama ay kilalang negosyante, ang kanyang ama ay isang magsasaka. Isa siya sa mga kasama sa Hacienda Dominicana sa Calamba, Laguna.
    
Ang apelyidong Rizal ay naidagdag sa kanilang pangalan sa bias ng Kautusan Tagapagpaganap na pinalabas ni Gob. Claveria noong 1849 at ito’y hinango sa salitang Kastila na luntiang bukid.
    
Masasabing mayaman ang angkang Rizal sapagkat ang pamilya ay masikap, matiyaga at talagang nagbabanat ng buto.
     Nang tumuntong si Rizal sa gulang na tatlong taon, 1864, siya ay tinuruan ng abakada ng kanyang ina at napansin niyang nagtataglay ng di-karaniwang talino at kaalaman ang anak, kahit kulang sa mga aklat ay nagawa ng ginang na ito ang paglalagay ng unang bato na tuntungan ni Rizal sa pagtuklas niya ng iba’t ibang karunungan.
    
Nang siya’y siyam na taong gulang, si Jose ay ipinadala sa Binan at nag-aral sa ilalim ng pamamahala ni Padre Justiniano Aquino Cruz, ngunit pagkalipas ng ilang buwan ay pinayuhan na ito na lumipat sa Maynila dahil lahat ng nalalaman ng guro ay naituro na niya kay Rizal.
     Noong ika-20 ng Enero, 1872, si Jose ay pumasok sa Ateneo Municipal de Manila. Siya ay nagpamalas ng kahanga-hangang talas ng isip at nakuha ang lahat ng pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng asignatura. Sa paaralang ito natamo niya ang katibayang Bachiller en Artes at notang sobresaliente, kalakip ang pinakamataas na karangalan.
     Nang sumunod na taon sa Pamantasan ng Santo Tomas ay nag-aral siya ng Filosofia y Letras at Agham sa pagsasaka naman sa Ateneo Municipal de Manila. Kumuha rin siya ng panggagamot sa naturang pamantasan. Di pa nasiyahan, nagtungo siya sa Europa noong ika-5 ng Mayo, 1882 upang doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.
    Nagpatuloy siya sa pag-aaral ng Medicina at Filosofia y Letras sa Madrid, Espana at tinapos ang kursong ito noong 1884 at 1885.
    Noong 1884, si Rizal ay nagsimulang mag-aral ng Ingles; alam na niya ang Pranses pagkat sa Pilipinas pa lamang ay pinag-aralan na niya ang wikang ito. Bukod sa mga wikang ito, nag-aral din siya ng Aleman at Italyano dahil naghahanda siya sa paglalakbay sa iba’t ibang bansa sa Europa. Alam niyang mahalaga ang mga wikang ito sa pag-aaral ng mga kaugalian ng mga tao roon at ng pagkakaiba nila sa mga Pilipino sa bagay na ito. At upang mapag-aralan ang kasaysayan ng mga baying nabanggit na mapaghahanguan ng mga aral na alam niyang makatutulong sa kanyang mga kababayan. Bunga nito, si Rizal ay maituturing na dalubwika.
    Ayon kay Retana, ipinahayag ni Rizal na sinulat niya ang unang kalahati ng Noli Me Tangere sa Madrid noong magtatapos ang 1884, sa Paris naman ang ikaapat na bahagi at isa pang bahagi ay sa Alemanya. Ipinalimbag ito sa Berlin, at noon lamang Marso, 1887 ay lumabas ang 2000 sipi. Si Dr. Maximo Viola na taga-San Miguel, Bulacan ang nagbayad ng pagpapalimbag sa halagang 300 piso.
    Ang El Filibusterismo ang kasunod na aklat ng Noli Me Tangere na ipinalimbag sa Gante, Belhika noong 1891.
    Itinatatag naman ni Dr. Jose Rizal ang La Liga Filipina noong ika-3 ng Hulyo, 1892. Ang kapisanang ito ay lihim na itinatag at layuning magkaroon ng pagbabago sa palakad ng pamahalaan sa Pilipinas sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan at di sa paghihimagsik.

    Noong ika-5 ng Agosto, 1887, siya ay nagbalik sa Pilipinas. Ngunit noong Pebrero 3, 1888, siya ay muling umalis sapagkat umiilag siya sa galit ng mga Kastila dahil sa pagkakalathala ng Noli Me Tangere. Bumalik siya sa Maynila noong ika-26 ng Hunyo, 1892.
   
 Noong Hulyo 7, 1892, alinsunod sa kautusan ni Kapitan-Heneral Despujol, si Rizal ay ipinatapon sa Dapitan, isang maliit na bayan sa hilagang kanluran ng Mindanao, dahil sa bintang na may kinalaman siya sa paghihimagsikan nang mga araw na iyon. Sa Dapitan, nagtayo si Rizal ng isang maliit na paaralan na may labing-apat na batang taga-roon na kanyang tinuturuan.
   
 Habang nagaganap ang labanan sa pagitan ng Espana at Cuba, sa pangambang madamay sa kilusang ukol sa paghihimagsik kaya hiniling niya na makapaglingkod siya sa mga pagamutan sa Cuba. Binigyan niya ng isang liham si Kapitan-Heneral Blanco na nagpapatunay na kailanman ay di siya nakikilahok sa mga himagsikan sa Pilipinas. Ngunit noong bago magtapos ang taong 1896, siya’y hinuli ng mga kinauukulan at ibinalik sa Pilipinas.
  
  Ikinulong si Rizal sa Maynila sa Real Fuerza de Santiago. Nang iharap sa hukumang militar at litisin, siya ay nahatulang barilin sa Bagumbayan.
   
 Noong ika-29 ng Disyembre, 1896, Sinulat ni Rizal ang kanyang Mi Ultimo Adios (Huling Paalam) isang tulang kakikitaan ng magigiting na kaisipan at damdamin.
  
  At noong ika-30 ng Disyembre, si Rizal ay binaril sa Bagumbayan na ngayon ay tinatawag na Luneta.

Kasaysayan
Unang nobela ni Rizal ang Noli Me tangere. Inilathala ito noong 26 taong gulang siya. Makasaysayan ang aklat na ito at naging instrumento upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan. Sa di-tuwirang paraan, nakaimpluwensiya ang aklat ni Rizal sa rebolusyon subalit si Rizal mismo ay isang nananalig sa isang mapayapang pagkilos at isang tuwirang representasyon sa pamahalaang Kastila. Sinulat sa wikang Kastila ang Noli, ang wika ng mga edukado noong panahong yaon.

Sinimulan ni Rizal ang nobela sa Madrid, Espanya. Kalahati nito ay natapos bago siya umalis ng Paris, at natapos ito sa Berlin, Alemanya. Inilaan ni Vicente Blasco Ibáñez, isang bantog na manunulat, ang kaniyang serbisyo bilang tagapayo at tagabasa.

Ang nobela ni rizal ay tumatalakay sa mga kingisnang kultura ng Pilipinas sa pagiging kolonya nito ng Espanya. Binabatikos din ng nobela ang mga bisyo na nakasanayan ng mga Pilipino at ang kapangyarihang taglay ng Simbahang Katoliko na nahihigit pa ang kapangyarihan ng mga lokal na alkalde.

Bumuo ng kontrobersiya ang nobelang ito kung kaya't pagkatapos lamang ng ilang araw na pagbalik ni Rizal sa Pilipinas, tinanggap ni Gobernador-Heneral Terrero sa Malacañang at inabisuhang puno ng subersibong ideya ang Noli. Pagkatapos ng usapan, napayapa ang liberal ng Gobernador Heneral ngunit nabanggit niya na wala siyang magagawa sa kapangyarihan ng simbahan na gumawa ng kilos laban sa nobela ni Rizal. Mahihinuha ang persekusyon sa kaniya sa liham ni Rizal sa Leitmeritz:
Sinimulang sulatin ni Dr. Jose P. Rizal ang mga unang bahagi ng "Noli Me Tangere" noong 1884 sa Madrid noong siya ay nag-aaral pa ng medisina. Nang makatapos ng pag-aaral, nagtungo siya sa Paris at doon ipinagpatuloy ang pagsusulat nito. At sa Berlin natapos ni Rizal ang huling bahagi ng nobela.

Ang pagsusulat ng "Noli Me Tangere" ay bunga ng pagbasa ni Rizal sa "Uncle Tom's Cabin" ni Harriet Beacher Stowe, na pumapaksa sa kasaysayan ng mga aliping Negro sa kamay ng mga panginoong putting Amerikano. Inilarawan dito ang iba't ibang kalupitan at pagmamalabis ng mga Puti sa Itim. Inihambing niya ito sa kapalarang sinapit ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila.


Sa simula, binalak ni Rizal na ang bawat bahagi ng nobela ay ipasulat sa ilan niyang kababayan na nakababatid sa uri ng lipunan sa Pilipinas at yaon ay pagsasama-samahin niyang upang maging nobela. Ngunit hindi ito nagkaroon ng katuparan, kaya sa harap ng kabiguang ito, sinarili niya ang pagsulat nang walang katulong.


Ipinaliwanag ni Rizal sa kanyang liham sa matalik niyang kaibigang si Dr. Ferdinand Blumentritt ang mga dahilan kung bakit niya isinulat ang "Noli." Ang lahat ng mga ito ay maliwanag na inilarawan sa mga kabanata ng nobela.

Ang pamagat ng "Noli Me Tangere" ay salitang Latin na ang ibig sabihin sa Tagalog ay "Huwag Mo Akong Salingin" na hango sa Ebanghelyo ni San Juan Bautista. Itinulad niya ito sa isang bulok sa lipunan na nagpapahirap sa buhay ng isang tao.





Mga Tauhan

Crisostomo Ibarra
Binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.


Elias
Piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito.


Kapitan Tiyago
Mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.


Padre Damaso
Isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego.


Padre Salvi
Kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara.


Maria Clara
Mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso




Pilosopo Tasyo
Maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego.

 Sisa
Isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit.


Alperes
Matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego


Donya Victorina
Babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila.



Donya Consolacion
Napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali.



Don Tiburcio de Espadaña
Isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.





Don Filipo
Tinyente mayor na mahilig magbasa na Latin; ama ni Sinang



Tiya Isabel
Hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.


Donya Pia
Masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y maisilang. 



Don Rafael Ibarra
Ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman kung kaya nataguriang erehe.







Kapitan Basilio
Ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan Valentin



Tinyente Guevarra
Isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.







   Buod ng Noli me Tangere




Si Crisostomo Ibarra ay isang binatang Pilipino na pinag-aral ng kanyang ama sa Europa. Pagkatapos ng pitong taong pamamalagi roon ay nagbalik ito sa Pilipinas. Dahil sa kanyang pagdating ay naghandog si Kapitan Tiyago ng isang salo-salo kung saan ito ay dinaluhan nina Padre Damaso, Padre Sibyla, Tinyente Guevarra, Donya Victorina at ilang matataas na tao, sa lipunan Kastila. Sa hapunang iyon ay hiniya ni Padre Damaso na siyang dating kura ng San Diego, ang binata ngunit ito'y hindi na lamang niya pinansin at magalang na nagpaalam at nagdahilang may mahalagang lalakarin.

Si Ibarra ay kasintahan ni Maria Clara. Siya kilala bilang anak-anakan ni Kapitan Tiyago, isang mayamang taga-Binundok. Ang binata ay dumalaw sa dalaga kinabukasan at sa kanilang pag-uulayaw ay di nakaligtaang gunitain ang kanilang pagmamahalan simula pa sa kanilang pagkabata. Di nakaligtaang basahing muli ni Maria Clara ang mga liham ng binata sa kanya bago pa man ito mag-aral sa Europa. Bago tumungo si Ibarra sa San Diego ay ipinagtapat sa kanya ni Tinyente Guevarra ng Guardia Sibil ang tungkol sa pagkamatay nga kanyang amang si Don Rafael, ang mayamang asendero sa bayang yaon.

Ayon sa Tinyente, si Don Rafael ay pinaratangan ni Padre Damaso, na Erehe at Pilibustero, gawa ng di nito pagsisimba at pangungumpisal. Nadagdagan pa ng isang pangyayari ang paratang na ito. Minsan ay may isang maniningil ng buwis na nakaaway ng isang batang mag-aaral, nakita ito ni Don Rafael at tinulungan ang bata, nagalit ang kubrador at sila ang nagpanlaban, sa kasamaang palad ay tumama ang ulo ng kastila sa isang bato na kanyang ikinamatay. Ibinintang ang pagkamatay na ito ng kubrador kay Don Rafael, pinag-usig siya, nagsulputan ang kanyang mga lihim na kaaway at nagharap ng iba-ibang sakdal. Siya ay nabilanggo at ng malapit nang malutas ang usapin ay nagkasakit ang matanda at namatay sa bilangguan.
Di pa rin nasiyahan si Padre Damaso sa pangyayaring iyon. Inutusan niya ng tagapaglibing na hukayin ang bangkay ni Don Rafael sa kinalilibingan nitong sementeryo para sa katoliko at ibaon sa libingan ng mga Intsik at dahil umuulan noon at sa kabigatan ng bangkay ay ipinasya ng tagapaglibing na itapon na lamang ito sa lawa.

Hindi binalak ni Ibarra ang maghiganti sa ginawang kabuktutang ito ni Padre Damaso at sa halip ay ipinagpatuloy ang balak ng kanyang ama na magpatayo ng paaralan.

Sa pagdiriwang ng paglalagay ng unang bato ng paaralan ay kamuntik nang mapatay si Ibarra kung hindi siya nailigtas ni Elias. Sa paglagpak ng bato habang ito'y inihuhugos ay hindi si Ibarra ang nasawi kundi ang taong binayaran ng lihim na kaaway ng binata.

Sa pananghaliang inihandog ni Ibarra pagkatapos ng pagbabasbas ay muling pinasaringan ni Padre Damaso ang binata, hindi na lamang niya sana ito papansinin subalit nang hamakin ang alaala ng kanyang ama ay hindi na siya nakapagpigil at tinangkang saksakin ang pari, salamat na lamang at napigilan ito ni Maria Clara.

Dahil sa pangyayaring ito ay itiniwalag o ineskomonyon si Ibarra ng Arsobispo ng simbahang Katoliko Romano. Sinamantala ito ni Padre Damaso upang utusan si Kapitan Tiyago na sirain ang kasunduan sa pagpapakasal nina Ibarra at Maria Clara. Nais ng pari na ang mapangasawa ng dalaga ay si Linares na isang binatang kastila na bagong dating sa Pilipinas.

Dahil sa pagkasindak sa gumuhong bato noong araw ng pagdiriwang si Maria Clara'y nagkasakit at naglubha. Dahil sa ipinadalang gamot ni Ibarra na siya namang ipinainom ni Sinang gumaling agad ang dalaga.

Sa tulong ng Kapitan Heneral ay napawalang-bisa ang pagkakaeskomulgado ni Ibarra at ipinasya ng arsobispo na muli siyang tanggapin sa simbahang Katoliko. Ngunit, nagkataon noong sinalakay ng mga taong pinag-uusig ang kwartel ng sibil at ang napagbintangang may kagagawan ay si Ibarra kaya siya ay dinakip at ibinilanggo. Wala talagang kinalaman dito ang binata sapagkat nang kausapin siya ni Elias upang pamunuan ang mga pinag-uusig ay tahasan siyang tumanggi at sinabing kailanman ay hindi siya maaring mamuno sa mga taong kumakatawan sa bayan.

Napawalang-bisa ang bintang kay Ibarra sapagkat sa paglilitis na ginawa ay walang sino mang makapagsabi na siya'y kasabwat sa kaguluhang naganap. Subalit ang sulat niya kay Maria Clara na napasakamay ng hukuman ang siyang ginawang sangkapan upang siya'y mapahamak.

Nagkaroon ng handaan sa bahay nina Kapitan Tiyago upang ipahayag ang kasunduan sa pagpapakasal ni Maria Clara kay Linares at samantalang nagaganap ito ay nakatakas ni Ibarra sa bilangguan sa tulong ni Elias.

Bago tuluyang tumakas ay nagkaroong ng pagkakataon si Ibarrang magkausap sila ng lihim ni Maria Clara,. Anya'y ipinagkaloob na niya rito ang kalayaan at sana'y lumigaya siya at matahimik na ang kalooban. Ipinaliwanag ni Maria Clara na ang liham na kanyang iniingatan at siyang ginamit sa hukuman ay nakuha sa kanya sa pamamagitan ng pagbabanta t pananakot. Ippinalit sa mga liham na ito ang dalawang liham na isinulat ng kanyang ina bago siya ipanganak na nakuha ni Padre Salvi sa kumbento at dito nasasaad na ang tunay niyang ama ay si Padre Damaso.

Sinabi niya kay Ibarra na kaya siya pakakasal kay Linares ay upang ipagtanggol ang karangalan ng kanyang ina subalit ang pag-iibig niya saa binata ay di magbabago kailanman.
Samantala, tumakas na si Ibarra sa tulong ni Elias. Sumakay sila ng bangka, pinahiga si Ibarra at tinabunan ng damo at pagkatapos ay tinunton ang ilog Pasig hanggang makarating sa Lawa ng Bay. Ngunit naabutan sila ng mga tumutugis sa kanila. Inisip ni Elias na iligaw ang mga ito kaya naisipan niyang lumundag sa tubig kung saan inakalang si Ibarra ang tumalon kaya hinabol at pinaputukan siya ng mga sibil hanggang mahawi ang bakas ng pagkakalangoy at magkulay-dugo ang tubig.

Nakarating sa kaalaman ni Maria Clara na si Ibarra'y napatay ng mga Sibil sa kanyang pagtakas. Ang dalaga'y nalungkot at nawalan ng pag-asa kaya't hiniling niya kay Padre Damaso na siya'y ipasok sa kumbento ng Santa Clara upang magmadre. Napilitang pumayag ang pare sapagkat tiyakang sinabi ng dalaga na siya'y magpapakamatay kapag hindi pinagmadre.
Noche Buena nang makarating si Elias sa maalamat na gubat ng mga Ibarra, sugatan at nanghihina na doon niya nakatagpo si Basilio at ina nitong wala nang buhay.
Bago siya nalagutan ng hininga ay sinabing, namatay siyang hindi nakikita ang pagbubukang-liwayway ng kanyang bayan at makakikita ay huwag sanang kalilimutan ang mga nangamatay dahil sa pagtatanggol sa bayan.




         Repleksyon:
             nalaman ko na ang noli me tangere ay hango sa totoong buhay ni Rizal at ito rin ay nakatuon tungkol sa pangaapi ng mga kastila sa mga pilipino na kagaya ni Rizal na nilabanan niya ang mga kastila.Parehas din sila na naapi ang mga mahal sa buhay
             masaya ako dahil kaya ni Rizal na pamulatin ang mga pilipino laban sa mga kastila gamit ang nobelang Noli Me Tangere.
  
MGA TALASALITAAN MULA SA NOLI ME TANGERE
1.    kantanod – tawag sa mga taong ibig na umakyat o makilala sa mataas na lipunan.(social climber) kaya sila ay mahilig dumalo sa mga handaan o salu-salo kahit hindi inimbitahan
2.    hitso – nganga (betel nut)
3.    pintakasi – patron (patron saint)
4.    guwardiya sibil- tagapangalaga ng kaayusan at katahimikan ng bayan (pulis sa kasalukuyang panahon)
5.    indiyo – panlibak o pang- insultong tawag ng mga Kastila sa mga Pilipino noon
6.    Kanser ng Lipunan – tumutukoy sa sakit ng lipunan at mga katiwalian (corruption) at pagmamalabis ng mga prayle.
7.    Café La Campana –ang pinakatanyag na restawran sa panahon ng Kastila
8.    Fonda de Lala –ang tanyag na hotel na tinirhan ni Ibarra
9.    prayle –Kastilang pari (friar)
10. coadjutor –katulong ng pari ng kura paroko
11. kura – namamahalang pari sa simbahan (parochial priest)
12. erehe – taong di sumasampalataya sa kautusan ng simbahan
13. pilibustero – taong kalaban ng pamahalaan
14. kapitan / gobernadorcillo –katumbas siya ng pinunong - bayan o municipal mayor.
15. Dominiko – mga prayleng kasanib ng kapatirang itinatag si Sto. Dominggo de Guzman
16. Pransiskano – mga prayleng kasanib sa kapatirang itinatatag ni San Francisco de Asis
17. garotte – salitang Kastila na nangangahulugang malaking pamalo o pambambo. Ito ang tawag kay Padre Damaso dahil sa kanyang pamamalo.
18. Indulgencia – pagpapatawad sa kaparusahang may takdang panahon dahil sa kasalanag nagawa ng isang tao matapos na ito’y pagsisihan.
19. hermano mayor – isang maginoo na karaniwang mayaman at relihiyoso na pinipiling mamahala ng pagdiriwang ng kapistahan.
20. Reverencia – tawag na paggalang sa mga pari
21. Madre Escucha – madre sa kumbento  na may tungkulin samahan ang bisita
22. pararayos – panghuli ng kidlat
23. Sabungero (png) - Taong nagpapalaban ng manok
24. Bakas (png) - Marka o tanda
25. Humahangos (pd) - Namamadaling parang pagod na pagod
26. Inaaninaw (pd) - Tinitingnan kung may tao o wala
27. Napalugmok (pd) - Napahiga
28. Balikwas (pd) - Mabilis na pag-upo o pagtayo mula sa paghiga
29. Nanghihilakbot (pu) - Natatakot
30. Pinupugod (pnd) - Sunud-sunod na marami
31. Sunong (pnd) - Dinadala na nakapatong sa ulo
32. Nagpapalaluan (pnd) - Nagyayabang
33. Inilatag (pd) - Ibinaba o inilagay ng palapad
34. Maulinigan (pnd) - Marinig
35. Pagkakanulo (pnd) - Pagtataksil
36. Ginagap (pnd) - Hinawakan nang mahigpit
37. Sinisikil (pnd) - Pinipigilan o hinahadlangan
38. Nanlilibak (pnd) - Nanunuya o iniinsulto
39. Putong (png) - Korona o bulaklak na nakapatong sa ulo
40. Maligoy (pu) - Hindi tiyak o marami pang sinasabi bago tukuyin ang sadya
41. Sumusuray-suray (pd) - Lumalakad na parang tutumba
42. Umuumid (pd) - takot magsalita o kumilos kahit alam ang gagawin
43. Gagapusin (pd) - Itatali
44. Halughugin (pd) - Hahanapin o hahalungkatin 
45. Alingawngaw (png) - Paulit-ulit na ingay
46. Malalagas (pd) - Matatanggal
47. Kabesera (png) - Kapital ng lalawigan o bansa
48. Sisibol (pd) - Tutubo
49. Salok (png) - Pagkuha ng tubig sa balon o gripo
50. Baklad (png) - Bitag na yari sa kawayan at nakatusok sa mababa na ilog o dagat upang makulong ang isdang papasok





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento