Martes, Hunyo 23, 2015

Cecilio Kwok Pedro

                Cecilio Kwok Pedro

·         negosyanteng nakabalik sa itaas matapos ang kanyangpagkabigo noong 1985.
·         Siya ang nagtatag ng Hapee toothpaste sa Pilipinas. Nang dahil ditto
·         ang kanyang kumpanyang Lamoiyan Corporation ang unang kumpanya ng toothpaste sa Pilipinas.
·         Sa  mundo ng komersyo, hindi ka dapat umasa sa isa o dalawang parokyano lamang.Paano kung sa pag-unlad at pagbago ng mundo ay magpasya silang talikuran ka? Paano  aangat ang iyong negosyo?
·          taon na ang nakararaan. Isa siyang mangangalakal na chinoy na may ari ng kumpanyang kilala sa pagtutustos sa aluminum na mga lalagyan ng toothpaste na ginagamit ng dalawang kilalang kumpanya
                  ang Colgate-Palmolive at Philippine Refining Company (Close Up).
·         Ang kanyang pag-aakala na ang kanyang kalakal ay importante at mananatili sa merkado ay lumaylay noonglumipat ang Colgate at Close Up sa paggamit ng plastic tube. Hindi nagtagal ay kinailangan niyang ipasara ang kanyang kumpanya, gumuho ang Aluminum Company Inc. na walong taon nang naitatag noong mga panahong iyon. 

·         Ang musmos na Cecilio ay masikap at pursigido na. Patunay rito ang kanyang maagang pagpasok sa mundo ng komersyo noong siya ay sampung taong gulang  pa lamang. Siya ay nagbenta ng ballpen sa kanyang mga kaklase ngunit hindi ito nag tagumpay sapagkat siya ay inuutangan lamang. Natuto siya sa mga sikreto ng kalakalan sa kanyang pag-aaral sa Ateneode Manila University ng Business Administration. Ang kanyang unang kumpanyang nabanggit  ang Aluminum Container Inc., ay agad na kumita ng malaki dahil ito ang nagbibigay ng packaging ng mga toothpaste.Sa pagbagsak ng kanyang unang kumpanya ay ninais niyang bumangon. Alam niyang hindi pa tapos ang laban. Naisip niyang ang kanyang aluminum tubes ay maaring magamit saepoxy ngunit agad niyang isinantabi ang planong ito sapagkat ang merkado ay maliit. Naisip niyang lagyan na lamang ng laman ang mga tube na binibenta niya dati, naisip niyangmakipagsapalaran sa negosyong toothpaste.Marami ang hindi naniwala kay Cecilio Pedro. Marami ang nagsabing siya ay hibang na sapagkat hindi niya kayang tapatan ang dalawang nangungunang kumpanya na dating mga kustomer nya. Ngunit itinuloy pa rin niya ang negosyo sa tulong ng isang kumpanyang pagmamay-ari ng isang Hapon. At doon nagsimula ang Hapee toothpaste. Dalawampu’t limang taon na ang nakararaan at walang nag-akalang magiging matagumpay ang Hapee. Ito ay ikalawa na sa bentahe ng toothpaste sa Pilipinas at ini-eksport na rin sa mga bansang gaya ng Middle East, Papua New Guinea, Russia, Vietnam, and Hong Kong. Ang pagbabago tungo sa pag-unlad ng Hapee ay nakikita na ngayon. Ang ideyang sachet at paglagay ng flavor para sa mga toothpaste pambata ay ideya ng Lamoiyan Corporation. Ito rin ay mabibili sa murang halaga at kahit ito ay may maliit na espasyo lamang sa mga supermarket ay kapansin pansin ito at tinatangkilik ng masa. Bukod sa pagiging isa sa mga nangungunang negosyante sa Pilipinas, siya rin ay isang tapat na Kristiyano. Seryoso si Cecilio Pedro sa pagbibigay ng oportunidad sa mga taong maykapansanan. Ang Lamoiyan ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga bingi sa pamamagitan ngpagbibigay ng trabaho sa mga ito. Binibigyan din nya ang mga ito ng libreng tirahan. Higit parito, binibigyan nya din ng scholarship sa pamamagitan ng isang foundation. 

·         Ayon sa kanya, ang tagumpay ay nasa pagsunggab mo sa oportunidad na dumaraan saiyo. Hindi lamang sa paglikha ng kakikitaan ngunit pati sa pagtulong sa kapwa. Tunay ngangkapupulutan ng aral ang buhay ni Cecilio Kwok Pedro




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento