Martes, Hunyo 23, 2015

sanaysay

Dalawang uri ng sanaysay1. Pormal - ito ay nagbibigay ng patalastas sa isang paraang maayos bunga ng isang maingat na pagtitimbang-timbang ng mga pangyayari at mga kaisipan. Kung minsa'y tinatawag itong impersonal o syentipiko sapagkat ito'y binabasa upang makakuha ng impormasyon.
2. Impormal - ito ay tinatawag ding pamilyar o personal na nagbibigay-diin sa isang estilong nagpapamalas ng katauhan ng may akda. Ito ay may himig na parang nakikipag-usap, nais maglahad ng isang panuntunan sa buhay. Ito rin ay naglalarawan ng mga pakahulugan ng may akda sa isang pangyayari sa buhay, nagtatala ng kanyang pagmumuni-muni at paglalahad ng pala-palagay o kuro-kuro.
Katangian ng Impormal
    1. Ang paksa'y kaakit-akit at kawili-wili
    2. Ito'y hindi isinulat upang makasakit ng damdamin ng iba o upang mangaral.
    3. Ito'y masigla, masaya, magpatawa.
    4. Maliwanag na mababanaag ang magandang kalooban ng may akda.
    5. Nagpapakilala ng malawak na kaalaman ng may akda ukol sa mga aklat, tao, kalikasan at iba't ibang mga bagay
Sangkap ng Sanaysay
1. Tema at Nilalaman – anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na paksa dahil sa layunin sa pagkasulat nito at kaisipang ibinahagi
2. Anyo at Istruktura – ang anyo at istruktura ng sanaysay ay isang mahalagang sangkap sapagkat nakaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa; ang maayos at lohikal na pagkasunud-sunod ng ideya o pangyayari ay makatutulong sa mambabasa sa pagkaunawa sa sanaysay
3. Wika at Istilo – ang uri at antas ng wika at istilo ng pagkakagamit nito ay nakaaapekto rin sa pagkaunawa ng mambabasa; higit na mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na mga pahayag
Bahagi ng Sanaysay 1. Panimula – ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unang tinitingnan ng mga mababasa, dapat nakapupukaw ng atensyon ang panimula upang ipagpatuloy ng mambabasa ang pagbasa sa akda
2. Katawan – sa bahaging ito ng sanaysay makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema at nilalaman ng sanaysay, dapat ipaliwanag nang mabuti ang bawat puntos upang maunawaan ito nang maigi ng mambabasa
3. Wakas – nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay; sa bahaging ito nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga tinalakay ng sanaysay
Katangiang Dapat Taglay ng isang Mabuting Mananaysay 1. May malawak na kaalaman o karanasan sa paksa
2. Nagagamit ang wika nang wasto at mabisa
3. Nakapipili ng mabuti at mabisang istilo ng paglalahad ng ideya
4. Malinaw at hindi madamot o matipid sa pagpapaliwanag ng kaisipan at kaalaman ukol sa paksa
5. May kakayahang pumukaw o manghikayat ng mambabasa
Mga Pokus ng Pandiwa
Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap. Naipapakita ito sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng pandiwa.
1. aktor-pokus o pokus sa tagaganap
Ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "sino?".
(mag- , um- , mang- , ma- , maka- , makapag- , maki- , magpa-)
Halimbawa:
Naglunsad ng proyekto ang mga kabataan.
Nagluto ng masarap na ulam si nanay para sa amin.
Bumili si Rosa ng bulaklak.
Si a ay humingi ng payo sa kanyang kapatid tungkol sa kanyang suliranin.
2. pokus sa layon
Ang paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "ano?".
(-in- , -i- , -ipa- , ma- , -an)
Sa Ingles, ito ay ang direct object.
Halimbawa:
Nasira mo ang mga props para sa play.
Ang ulam na masarap ay niluto ni nanay para sa amin.
Binili ni Rosa ang bulaklak.
3. lokatibong pokus o pokus sa ganapan
Ang paksa ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "saan?".
(pag-/-an , -an/-han , ma-/-an , pang-/-an , mapag-/-an)
Halimbawa:
Pinagtaniman namin ang bukiran ng maraming gulay.
Pinuntahan ni nanay ang kusina ng bahay para magluto ng masarap na ulam.
Ang tindahan ang pinagbilhan ni Rosa ng bulaklak.
Pinadausan ng paligsahan ang bagong tayong entablado.
4. benepaktibong pokus o pokus sa tagatanggap
Ang paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "para kanino?".
(i- , -in , ipang- , ipag-)
Sa Ingles, ito ay ang indirect object.
Halimbawa:
Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap na ulam.
Ibinili ni Rosa ng bulaklak ang Mahal na Birhen.
5. instrumentong pokus o pokus sa gamit
Ang paksa ang kasangkapan o bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "sa pamamagitan ng ano?".
(ipang- , maipang-)
Halimbawa:
Ang kaldero ang ipinangluto ni nanay ng masarap na ulam para sa amin.
Ipinampunas ni Marco ang basahan sa mesa.
Ipinanghambalos niya ang hawak na tungkod sa magnanakaw.

6. kosatibong pokus o pokus sa sanhi
Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "bakit?".
(i- , ika- , ikina-)
Halimbawa:
Ikinatuwa namin ang pagluluto ng masarap na ulam ng aming nanay.
Ikinatuwa ni Ynez ang pagbili ng rosas ng kanyang nobyo para sa kanya.
Ikinalungkot ng bata ang hindi nila pagkikitang mag-anak.

7. pokus sa direksyon
Ang paksa ang nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "tungo saan/kanino?".
(-an , -han , -in , -hin)
Halimbawa:
Sinulatan niya ang kanyang mga magulang.
Pinuntahan ni Henry ang tindahan para mamili ng kagamitan.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento