Mitolohiyang Pilipino
Ang mitolohiyang Pilipino at mga kuwentong bayan ay kinabibilangan ng mga salaysay at pamahiin hinggil sa mga
masalamangkang mga nilalang at nilikha ng mga Pilipino. Ito'y mga paniniwala na mula sa mga panahon bago dumating ang mga
Espanyol at ipinakilala angKristyanismo. Hangang ngayong ang paniniwala sa mga diyus-diyusan sa mitolohiyang
Pilipino at mga pamahiin ay buhay pa rin sa kulturang Pilipino lalo na sa mga
probinsiya. Sa mitolohiyang Pilipino, si Bathala ang tinuturing bilang ang makapangyarihan na
diyos sa buong daigdig. Ang mitolohiyang Pilipino ay halu-halo dahil sa rami ng
mga etnikong grupo at katutubo na may sari-saring paniniwala at diyus-diyusan.
Ang
Mitolohiyang Pilipino ay binubuo ng mga diyos, mga hayop, mga mahiwagang
nilalang at mga diwata. Ito rin ay binubuo ng mga panitikan; mga epiko, alamat
at kuwentong bayan
Bathala - ang pinaka makapangyarihang diyos sa
lahat ng mga diyos, siya rin ay kilala bilang Maykapal
Lakampati - ang diyosa ng pagkamayabong.
Pati - ang diyos ng ulan.
Lakambakod - ang diyos ng mga palay at ang paghilom ng mga sugat.
Apolaki - siya ang pinapaniwalaan na siya ang
diyos ng digmaan, paglalakbay at pangangalakal.
Mayari - ang diyosa ng buwan.
Lakambini - ang diyosa ng pagkain.
·
Lingga - ang diyos ng paghilom ng
sugat at pagkamayabong.
·
Mangkukutod - ang diyos ng isang
partikular na grupo ng mga Tagalog.
·
Anitong Tao - ang diyos ng ulan at
hangin.
·
Agawe - diyos nang tubig
·
hayo - diyos nang dagat
·
idionale - diyos nang pagsasaka
·
Lisbusawen - diyos ng mga kaluluwa
·
Diwata ay isang katauhan na katulad ng mga engkanto (fairies) o nimpa(nymph). Sinasabing
naninirahan sila sa mga puno, katulad ng aksiya at balete at tagapagbantay ng ispiritu ng kalikasan, na nagdadala ng pagpapala o sumpa sa mga taong nagbibigay ng benipisyo
o pinsala sa mga gubat at mga bundok. Ito ang baybay Filipino ng Sanskrit na salitang devadha, ngunit hinango sa kahuli-hulihan sa
salitang Sanskrit na dev, nangangahulugang diyos.
·
Maria Makiling, minsan spelling Mariang Makiling, sa
Philippine Mythology, ay isang diwata o lambana (bading o kagubatan diwata)
kaugnay sa Bundok Makiling sa Laguna, Pilipinas. Siya ay ang pinaka-tinatanggap
na kilala diwata sa Philippine Mythology.
Katulad sa Maria Sinukuan ng
Pampanga's Mount Arayat at Maria kakaw ng Cebu's Mount Lantoy, Maria Makiling
ay isang tagapag-alaga ng mga bundok, na responsable para sa pagprotekta nito
kapagbigayan at sa gayon, ay isang tagapag-ampon para sa mga taong-bayan na
umaasa sa mga mapagkukunan ng bundok's. Bilang karagdagan sa pagiging isang
tagapag-alaga ng mga bundok, ang ilang mga Legends din makilala ang Laguna de
Bay - at ang mga isda mula sa nahuli nito - bilang bahagi ng kanyang domain.
·
Nuno sa punso ay ang nilalang na mukhang duwende na kadalasang pinaniniwalaang
naninirahan sa punso. Tinatawag itong nuno (mula sa salitang ninuno) dahil ang itsura ng nilalang na ito ay
isang maliit na matanda.Pinaniniwalaan nagbibigay suwerte o kamalasan ang
munting nilalang na ito. Kadalasan sa mga dumadaan sa harap o malapit man sa
punso ay nagsasabi ng "tabi-tabi po" upang makaiwas sa malas na
maaaring maidudulot nito. Ang nuno ay sinasabing mayroong kapangyarihan o
mahika na nagbibigay suwerte sa mabait sa kalikasan at malas sa masama sa
kanila.
·
Ang Sirena ay isang uri
ng nilalang kung saan ito ay may katawan na kalahating tao at kalahating isda.
Binibiktima nila ang mga mangingisda, maging mga baguhan sa paglalakbay-dagat.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento