Martes, Hunyo 23, 2015

alamat ng pagong

Noong unang panahon ang talukab ng pagong ay makinis at walang mga lamat tulad ng sa ngayon. Palaging ipinagmamalaki ni pagong ang kanyang talukab. Araw-araw niya itong nililinis at pinapakintab. Ipinagmamayabang niya sa lahat na sa sobrang kinis at kintab nito ay maaring kang magsalamin dito.
Hindi lamang kilala si pagong dahil sa kanyang makinis at makintab na talukab. Kilala din siya na isa sa mga madadaldal na hayop sa gubat. Hindi nauubusan ng kuwento si pagong. Minsan nang nag-kausap sila ng kaibigan niyang si palaka ay hindi man lamang nakaimik ang madaldal ding si palaka dahil sa dami ng kuwento ni pagong. Halos buong maghapon na nagkuwento si pagong tungkol sa iba’t ibang bagay na nakikita nito sa kagubatan.
Isang araw habang nakikipag-kwentuhan si pagong sa mga kaibigang bibe ay may mga galang tagak ang huminto upang uminom sa may batis. Napagod sila sa kanilang biyahe galing sa ibang lugar kung kayat minabuti nilang huminto panandalian upang makapagpahinga.
Ang mga tagak ay maingay na nag-uusap tungkol sa kanilang mga nasaksihan sa kabilang ibayo kung saan sila nanggaling. Masaya silang nagtatawanan habang inaalala ang kagandahan ng bayan na kanilang binisita.
Narinig ng pagong ang kanilang pinag-uusapan at sa unang pagkakataon ay ito ay napatigil sa pagsasalita. Nakanganga ito habang nakikinig sa mga tagak. Samantalang nagtataka naman ang mga kaibigang bibe kung napano ang madaldal na pagong.
Habang nag-uusap pa rin ang mga tagak ay dali-daling sumabat si pagong. Gusto rin daw nitong sumama at makita ang mga sinasabi nilang mga lugar. Tiyak na maganda raw ito at marami pang masasarap na pagkain. Gusto niyang sumama upang sa ganoon ay maikukuwento rin niya sa mga kaibigan kung ano mga makikita niya roon. Naisip niya na meron na naman siyang bagong maikukuwento sa mga kaibigan lalo na at hindi pa rin nakakapunta ang mga iyon sa ibang lugar maliban sa kanilang tinitirahang gubat.
Alamat ng Pagong (1)
Nagtinginan ang mga tagak. Gusto man daw nila siyang isama ay hindi naman nila alam kung paano. Hindi naman siya nakakalipad tulad nila. Nag-isip ang mga tagak at si pagong kung paano nila maisasama ang hayop sa kanilang gala.
Nawawalan na nang pag-asa ang pagong ng biglang may naisip ang isa sa mga tagak. Pinag-usapan nila ito at maya-maya ay ipinaalam kay pagong ang plano. Maaari daw nila itong isama kung ito ay kakagat sa isang piraso ng kahoy na kagat-kagat naman ng dalawang tagak sa magkabilang dulo nang sa gayon mabubuhat nila si pagong. Ngunit kinakailangan ni pagong na manahimik at hindi magsalita ng matagal sapagkat malayo ang kanilang lalakbayin at baka ito ay mahulog.
Pumayag ang pagong. Kaya daw nitong hindi magsalita ng matagal kaya’t maya-maya ay lumuwas na nga ang mga tagak kasama siya.
Mahigpit ang kagat ni pagong sa kahoy nang sila ay nag-umpisang lumipad ngunit hindi pa sila nakakalayo ay nayamot na siya dahil sa katahimikang naririnig. Binukas niya ang kanyang bibig at uumpisahan na sanang kuwentuhan ang dalawang tagak na may hawak sa kanya nang bigla siyang bumulusok pababa. Walang nagawa ang dalawang tagak kundi tignan ang pagong ng mabilis na nahulog pababa.
Nahulog si pagong at pagbasak sa lupa ay tumama ang kanyang talukab sa isang malaking bato. Buti na lamang at ang matigas ang talukab at hindi ang kanyang ulo ang tumama sa bato. Sa taas at lakas ng pagbagsak niya ay nagkalamat-lamat ang kanyang talukab. Simula noon ay binawasan na ni pagong ang pagiging madaldal at ang kanyang makinang at makinis na talukab ay nagka-lamat-lamat na.
ANG MADALDAL NA PAGONG
Isang umagang maganda ang panahon na nagkita-kita sa tabing-sapaangmagkakaibigang si Pagong Daldal,, si Abuhing Gansa at si PutingGansa. Nagkuwentuhan sila,di nagtagal nagpaalam ang magkapatid na
gansa.“Isama
niyo naman ako sa
inyong tirahan sa kabilang ilog” pakiusap ni PagongDaldal.“E, paano ka naming maisasama ay wala kanamang pakpak at hindi kamakakalipad?” wika ni Abuhing Gansa.“Oonga,”wika ni Pagong Daldal na halatang lungkot na lungkot.
 
“Sandali may naisip ako,” wika
Puting Gansa. Maiisama ka naming
kung susunodka sa aking sasabihin.”“Salamat. Ipapangako kong
susunod ako sa ipag-
uutos ninyo,” wika ni PagongDaldal.Kumuha ng
patpat si Puting Gansa at saka ipinaliwanag ang dapat gawin niPagongDaldal.Kakagatin mo itong patpat sa gitna. Kakagatin namannaming ni Abuhing Gansaang magkabilang dulo at saka tayo lilipad.Kaya lamang, ito ang tatandaan mo. Huwag nahuwag ka magsasalita
kung hindi ay mahuhulog ka at lalapak sa lupa.“O, hala. Tayo na,
kagatin mo na ang patpat, kaibigang
Pagong,”wika ni PutingGansa.”
Tandaan mo,huwag kang magsasalita. Wala kang pakpak at kapag
nakabitiw ka,tiyak na lalagpak ka sa lupa.”“Hindi akomagsasalita,”pangakong muli ng Pagong Daldal.Kinagat ni Abuhing
Gansa ang isang dulo ng patpat at ang kabilang dulo ay kinagatni PutingGansa. At sila ay lumipad na.Tuwang-tuwa si Pagong Daldal nang nasaibabaw na sila ng mga punong kahoy!Waring naakyat sa langit angpakiramdam ni Pagong Daldal.Nakita ng mga batang nagsisipaglaro saparang ang lumilipad na pagong. Naghiyawan sila sa tuwa at itinuro nilaang pagong na kagat-
kagat ang patpat!“Tignan ninyo ang PagongDaldal! Lumilipad!”“Ha!Ha!Ha!Ha!Ha!Ha!”Nagalisi Pagong
Daldal.Hindi natapos ang iba pang sasabihin ng Pagong Daldal. Tuloy-tuloy siyang bumagsak 
sa lupa.“Kaawa
-
awang Pagong!” nawika
na lamang ni Puting Gansa at ni Abuhing Gansa.
 
Ang Aso  at ang Kanyang Anino

Isang aso ang nakahukay ng buto sa lupa.  Tuwang-tuwa siya at dali-daling hinawakan ang buto sa pamamagitan ng kanyang bibig.

Dinala niya ang buto upang iuwi sa kanyang tirahan, ngunit nang siya ay malapit na, napadaan siya sa isang ilog.   Pinagmasdan niya ang ilog at doo'y nakita niya ang sariling anino.  Sa pag-aakalang ibang aso iyon na may hawak-hawak ring buto sa bibig, tinahulan niya iyon nang tinahulan upang maangkin din ang butong pag-aari nito. 


Dahil dito, humulagpos mula sa kanyang bibig ang butong hawak-hawak at nahulog sa ilog.  Tinangay ng agos ang buto at hindi na uli nakuha pa ng sakim na aso.

Ang Kambing at ang Magsasaka (parabula)

Ang Kambing at ang Magsasaka
Isang araw ay nahulog ang kambing sa balon. Umatungal ito ng umatungal na nakapagpataranta sa magsasakang may-ari ng kambing.

Wala siyang malamang gawin para maiakyat niya ito mula sa malalim na balon. Kaya minabuti niyang tabunan na lang ng lupa ang balon kasama ang kambing. Tutal matanda na ang kambing at ang balon naman ay wala ng tubig na makukuha.

Kaya humingi siya ng tulong sa mga kapitbahay upang matabunan kaagad ang balon para matigil na ang pa-atungal ng kambing.

Lalong umatungal ang kambing nang maunawaan niya ang gustong gawin ng magsasaka. Ibabaon siya ng buhay.

Ilang sandali lang ay tumahimik na ang kambing. Dumukwang ang magsasaka kung bakit wala ng ingay na nanggagaling sa balon. Nakita niya ang kambing na nakatayo sa lupang kanilang itinatabon. Tuwing may itinatapon na lupa ay niluluksuhan ng kambing para makarating siya sa itaas. Hanggang nang mapupuno na ang balon, ay tumalon ang kambing sa itaas na ikinagulat ng mga tao.

Para rin yang mga taong nagtatapon sa inyo ng dumi. Kagaya ng kambing ay tinatapakan lang niya at pinapalis ang dumi hanggang sa siya ay makarating sa itaas.

AMA, ANAK AT KALABAW (parabula)


PARABULA NG AMA, ANAK AT KALABAW

            Isang mapagmahal na pamilya ang nakatira sa isang bundok. Ang ama’y 
magsasaka samantalang mabuting may-bahay ang ina. Isang lalake ang anak ng 
mag-irog na naninirahan sa bundok. Pitong na taon na ngayon ang kanilang anak.

            Nang minsang bumaba sa bukid ang ama ay isinama niya ang kanyang anak upang 
makatulong kahit papaano at nang malibang na rin. Dala rin nila ang kalabaw na siyang 
mag-aararo sa lupang tatamnan. May kalayuan ang pinag-aanihang bukid ng ama. 
Kinakailangang dumaan ng apat na baryo bago marating ang bukid.

            Masayang-masaya ang batang lalake habang tinutulungan ang kanyang ama sa 
pagtatrabaho sa bukid. Nanghuhuli rin siya ng maliliit na langgam at ng luntiang 
tipaklong sa pagkakataong nag-aararo ang ama. Maligaya naman ang ama habang 
pinagmamasdan ang kanyang anak.

            Magdidilim na at pagod na ang ama. Tumigil na rin ang kalabaw sa paggawa
 dahil sampung kwadro na ang binungkal nito. Kaya naisipan na ng ama na umuwi at
 niyaya na nga ang anak.

            Habang sila’y naglalakad patungo sa bundok na kanilang tinitirhan ay napadaan
sila sa isang baryo. Hapung-hapo ang ama kaya naisip ng anak na ang ama na lang ang
 ipasakay sa kalabaw sa halip na siya. Hawak ng bata ang lubid na nakatali sa kalabaw na
 kinasasakyan ng ama. Napansin nilang nag-uusap ang ilang ale sa isang banda ng baryo.
 Narinig na lamang nila: “Hay naku, anong klase ama ‘yan? Kabata-bata ng anak inaalila 
nang ganyan. At siya, komportableng nakasakay sa kalabaw.”

            Napahiya ang ama sa kanyang narinig. Kaya bago tumawid sa sunod na baryo ay 
bumaba na ito at ibinuhat ang anak pasakay sa kalabaw. Hapung-hapo sa paglalakad ang
 ama habang hawak ang lubid ng kalabaw. Ngunit nakarinig na naman sila ng mga komento
 mula sa mga tagabaryo. “Ano ba naman iyang batang ‘yan? Nakita na ngang pagud na pagod
 ang ama sa pag-aaro nang buong araw sa bukid hinayaan pa ang ama na maglakad. 
Napakawalang utang na loob sa amang kumakayod para sa pamilya.” Kaya bago tumungo 
sa ikatlong baryo ay ibinaba ng ama ang anak.

            Magkahawak kamay ang mag-ama habang naglalakad kasama ang kalabaw. 
Nang maabot ang ikatlong baryo, nanghina ang mag-ama sa narinig mula sa 
isang tagaroon: “Katangahan naman ang ibinigay sa mag-amang ito. Ang layo ng bukid 
na pinanggalin. Pagod pa sa paggawa roon. Naglakad. Hindi man lamang naisip sakyan 
ang kalabaw. Ano pa ang silbi nito? Tsik...tsik...” Sumakay sa kalabaw ang dalawa. Sakay 
sila ng kalabaw hanggang maabot ang ikaapat at panghuling baryo.

            “Kawawa naman ang kalabaw. Maghapong nag-araro sa bukid, napapagod din ‘yan. 
Siguro kung nakapagsasalita lamang ang kalabaw na iyan siguradong magrereklamo na ‘yan
. Itong mag-ama, napakalupit! Wala man lang konsiderasyon sa kalagayan ng hayop. 
Kahit hayop, napapagod at may pakiramdam din.” Narinig na lamang nilang sabi ng isang 
lalake habang lumalagok ng tuba sa tindahang nadaanan.

            Nang makarating ng bahay, hindi maintidihan ng babae sa itsura ng kanyang mag-ama.

ALIM (Epiko ng mga Ifugao)

ALIM (Epiko ng mga Ifugao)
Noong unang panahon, ginalit ng mga tao ang mga diyos at diyosa dahil sa kanilang pagkakasala at patuloy na pasuway sa kautusan ng mga diyos. Nagpadala ng malaking baha na nagpalubog sa buong daigdig at sumira sa lahat ng nabubuhay na nilalang. Dalawa lamang ang nakaligtas sa pagbaha: sila ay magkapatid, sina Wigan at Bugan. Nang nagsimula nang tumaas ang baha ay umakyat si Wigan sa bundok Amuyaw upang mailigtas ang sarili. Ganoon din si Bugan na pumunta sa bundok na Kalawitan upang maghanap ng masisilungan.
Nanatili si Bugan sa bundok hanggang humupa ang tubig at hanggang matuyo ang lupa. Bumaba siya at nadiskobre na siya lamang ang natirang buhay. Lahat ay nalunod kahit ang mga hayop. Nagkalat ang mga patay na katawan, mabaho. Sa kanyang paglalakbay upang humanap nang makakain ay nakakita siya ng isang babae na natatabunan ang kalahati ng katawan sa lupa, kumakaway sa kanya. Nakilala niya ito.

Bugan! masaya niyang sabi habang ibinubuka ang braso upang yakapin siya.

Wigan, aking kapatid, nanginginig niyang sabi dahil sa di masidlang kasiyahan. Pinabayaan niyang yakapin siya ng kapatid at inihilig ang ulo sa kanyang dibdib.

Nasaan ang iba? tinanong ni Wigan pagkatapos.

Patay na. sagot niya. Sa aking palagay ay tayo lamang ang nakaligtas sa pagbaha.

Naglakad-lakad sila upang tingnan kung may iba pang nakaligtas ngunit wala silang nakita. Ang nakita lamang nila ay mga patay na katawan ng mga tao, hayop kahit ang mga halaman.

Naghanap sila ng lugar na matitirhan. Nakakita sila ng lugar na malapit sa dalampasigan kung saan nagsisimulang tumubo ang mga halaman. Nagtayo sila ng kubo mula sa mga kahoy na nakakalat sa paligid. Pagkatapos ay inilibing nila ang mga patay na katawan na nakita nila malapit sa dalampasigan.

Gutom na ako, sabi ni Bugan habang nagpapahinga sila pagkatapos ilibing ang mga patay na katawan.

Ako din, sabi ni Wigan. Dito ka lamang at titingnan ko kung makakahuli ako ng isda sa dagat.

Sa tingin mo ay may isda doon? tanong ni Bugan.

Ang mga halaman ay nagsisimula nang tumubo. Siguro ay humuhupa na ang galit ng mga diyos at babalik na din ang mga isda sa dagat.


Mayroon ngang mga isda sa dagat. Nang gabing iyon ay kumain sila ng saganang hapunan ng pinakuluang isda. At natulog silang magkasama. Pagkatapos ng ilang araw ay natuklasan ni Bugan na siya'y nagdadalang tao. Pumunta siya sa dalampasigan at tinangkang lunurin ang sarili sapagkat nahihiya siya dahil siya ay nabuntis ng kanyang kapatid. Ngunit bago pa man siya makapunta sa malalim na parte ng tubig, isang matandang lalaki ang nagpakita sa kanya. Sinabi nito na siya si Makanunggan, ang diyos ng Ifugao. Ikinasal ni Makanunggan ang dalawa at nagkaroon sila ng siyam na anak, limang lalaki at apat na babae.

Nagkaroon ng malawak na tag-gutom. Kumonti ang ani. Nagpatay sila ng daga at inihandog nila kay Makanunggan ngunit nagpatuloy ang kaunting ani.

Ano ang gagawin natin? tanong ni Bugan kay Wigan isang gabi bago sila matulog. Mamamatay tayong lahat sa guton kung magpapatuloy ang mahina nating ani.

Hindi ko alam kung bakit galit si Makanunggan sa atin. Marahil ay hindi niya nagustuhan ang daga na inihandog natin sa kanya.

Bakit hindi natin ihandog ang ating anak na si Igon?

Nagkasundo sila na patayin si Igon, ang pinaka-batang anak at inihandog kay Makanunggan. At sa wakas ay natapas ang mahinang ani. Ngunit nagpakita muli si Makanunggan at sihabi na ang ginawa nila kay Igon ay karumal-dumal. Ikinalat sila ni Makanunggan sa apat na sulok ng lupa, sa silangan at kanluran at sa hilaga at timog. At sinumpa sila dahil sa ginawa nila kay Igon. Mag-aaway sila sa bawat pagkakataon na malalapit sila sa isa't-isa.

Mitolohiyang Pilipino

Mitolohiyang Pilipino
Ang mitolohiyang Pilipino at mga kuwentong bayan ay kinabibilangan ng mga salaysay at pamahiin hinggil sa mga masalamangkang mga nilalang at nilikha ng mga Pilipino. Ito'y mga paniniwala na mula sa mga panahon bago dumating ang mga Espanyol at ipinakilala angKristyanismo. Hangang ngayong ang paniniwala sa mga diyus-diyusan sa mitolohiyang Pilipino at mga pamahiin ay buhay pa rin sa kulturang Pilipino lalo na sa mga probinsiya. Sa mitolohiyang Pilipino, si Bathala ang tinuturing bilang ang makapangyarihan na diyos sa buong daigdig. Ang mitolohiyang Pilipino ay halu-halo dahil sa rami ng mga etnikong grupo at katutubo na may sari-saring paniniwala at diyus-diyusan.
Ang Mitolohiyang Pilipino ay binubuo ng mga diyos, mga hayop, mga mahiwagang nilalang at mga diwata. Ito rin ay binubuo ng mga panitikan; mga epiko, alamat at kuwentong bayan

Bathala - ang pinaka makapangyarihang diyos sa lahat ng mga diyos, siya rin ay kilala bilang Maykapal
Lakampati - ang diyosa ng pagkamayabong.
Pati - ang diyos ng ulan.
Lakambakod - ang diyos ng mga palay at ang paghilom ng mga sugat.
Apolaki - siya ang pinapaniwalaan na siya ang diyos ng digmaan, paglalakbay at pangangalakal.
Mayari - ang diyosa ng buwan.
Lakambini - ang diyosa ng pagkain.
·         Lingga - ang diyos ng paghilom ng sugat at pagkamayabong.
·         Mangkukutod - ang diyos ng isang partikular na grupo ng mga Tagalog.
·         Anitong Tao - ang diyos ng ulan at hangin.
·         Agawe - diyos nang tubig
·         hayo - diyos nang dagat
·         idionale - diyos nang pagsasaka
·         Lisbusawen - diyos ng mga kaluluwa
·          Diwata ay isang katauhan na katulad ng mga engkanto (fairies) o nimpa(nymph). Sinasabing naninirahan sila sa mga puno, katulad ng aksiya at balete at tagapagbantay ng ispiritu ng kalikasan, na nagdadala ng pagpapala o sumpa sa mga taong nagbibigay ng benipisyo o pinsala sa mga gubat at mga bundok. Ito ang baybay Filipino ng Sanskrit na salitang devadha, ngunit hinango sa kahuli-hulihan sa salitang Sanskrit na dev, nangangahulugang diyos.
·         Maria Makiling, minsan spelling Mariang Makiling, sa Philippine Mythology, ay isang diwata o lambana (bading o kagubatan diwata) kaugnay sa Bundok Makiling sa Laguna, Pilipinas. Siya ay ang pinaka-tinatanggap na kilala diwata sa Philippine Mythology.
               Katulad sa Maria Sinukuan ng Pampanga's Mount Arayat at Maria kakaw ng Cebu's Mount Lantoy, Maria Makiling ay isang tagapag-alaga ng mga bundok, na responsable para sa pagprotekta nito kapagbigayan at sa gayon, ay isang tagapag-ampon para sa mga taong-bayan na umaasa sa mga mapagkukunan ng bundok's. Bilang karagdagan sa pagiging isang tagapag-alaga ng mga bundok, ang ilang mga Legends din makilala ang Laguna de Bay - at ang mga isda mula sa nahuli nito - bilang bahagi ng kanyang domain. 
·         Nuno sa punso ay ang nilalang na mukhang duwende na kadalasang pinaniniwalaang naninirahan sa punso. Tinatawag itong nuno (mula sa salitang ninuno) dahil ang itsura ng nilalang na ito ay isang maliit na matanda.Pinaniniwalaan nagbibigay suwerte o kamalasan ang munting nilalang na ito. Kadalasan sa mga dumadaan sa harap o malapit man sa punso ay nagsasabi ng "tabi-tabi po" upang makaiwas sa malas na maaaring maidudulot nito. Ang nuno ay sinasabing mayroong kapangyarihan o mahika na nagbibigay suwerte sa mabait sa kalikasan at malas sa masama sa kanila.
·         Ang Sirena ay isang uri ng nilalang kung saan ito ay may katawan na kalahating tao at kalahating isda. Binibiktima nila ang mga mangingisda, maging mga baguhan sa paglalakbay-dagat.



"Friday" A Short Play in One Act Based on Rebecca Black


                                                                   "Friday"

                                     A Short Play in One Act Based on Rebecca Black



       The Charlottesville Community Players present a new work that explores the inside story of Rebecca Black and her hit song, "Friday". See how she went from scared little girl to scared little girl on the Internet in the blink of an eye.



I.                   Title Of The Play

                      Friday  -  A Short Play in One Act Based on Rebecca Black


II.                Name Of The Playwright
        
      Rebecca Renee Black born June 21, 1997 is an American singer, dancer, and actress who gained extensive media attention with the 2011 single "Friday". The song was co-written and produced by Clarence Jey and Patrice Wilson of Ark Music Factory. After the video went viral on YouTube and other social media sites, "Friday" was derided by many music critics and viewers, who dubbed it "the worst song ever”. Between its upload date on February 10, 2011 and its temporary removal from YouTube on June 16, the video received around 167 million views, gaining Black international attention as a viral star. Black re-uploaded it to her own channel three months later.

III.             General Impression Of The Play

       Some Of the Viewers Want to Erase the Movie in Media or Some Says Thet They feels very bad for her! That song sucked horribly but she's only 13 and all these people are criticizing her in unnecessarily harsh ways. She sounds like a robot, but that's the recording company's doing, not heir’s. And the lyrics are just...weird...but that's not her fault either-she didn't write the song.

IV.             Summary

                         In the opening verse, Ms. Black introduces the idea of choice. But what choice, if any, is she authorized to make? The educational system has decreed that she must wake up at seven in the morning. Ms. Black goes on to list the things she “got to” do. What are the consequences of not being “fresh”? Is it so unfathomable that a girl may want to stay in bed or eat cereal from the box? And why must her morning sustenance be cereal? Ms. Black runs through the monotony of the morning that her family, emotionally numb after years of routine, so readily accepts. While she yearns to end this life sentence to apathy, time inevitably continues “tick in’” like a bomb about to explode.  As Rebecca, She wakes up and goes to school, meeting her friends on the way. Rebecca Black through the means of an annotated daily calendar and learn that her world is not, entirely, unlike ours. Sunday is full of studying. Monday has a test. Tuesday, more homework. Wednesday, music practice. Thursday, essay due. Truly an oppressive, Orwellian dystopia. Yet as things seem bleakest, FRIDAY! In the evening, after debating whether to sit in the front or back of a convertible, Black and her friends ride the car to a party at 7:45 pm.  Patrice Wilson appears near the end of the song to deliver a short rap. Despite assuring us that we know something, it is entirely unclear what it is that we are supposed to have “got”. Rebecca’s diction becomes increasingly circular and mundane, as if she is     reassuring herself of something, but doesn’t quite know what that something is. Her robotic repetition of the word “fun” returns, and she even goes so far as to remind herself to “think about fun”, although it is becoming increasingly clear that her oppressive society has already done the damage: she no longer knows what fun is. In her frantic need to assure herself everything is okay, she takes the effort to mention her friend seated to her right, but neglects the person to her left, leaving their relationship open to considerable scrutiny. Black's father's house with friends and family as extras, and requiring multiple takes over 12 hours. Some of those extras became stars in their own right, her friends Bennie Crinkle, Amanda Cooper and Hayley Grout. Ark Music, according to Black's parents, cautioned them and her that they should not expect her to become famous. Black hoped that her friends and family would enjoy watching the video on YouTube and that it would perhaps help her to later begin a singing career.

V.                Theme
The Theme is all about the 13 year old girl who wants day of weekend that in the day of Friday all they want is having a party and fun. They parents lecture her About Rule in House and About Study. Her Friends says the things they do in school such Monday has a test. Tuesday, more homework. Wednesday, music practice. Thursday, essay due and they ask what will happen in the next day FRIDAY

VI.             Acting of the Main Characters
      
                       Rebecca – as the main character the girl who study and always lectured by the parents about school. And she is the one who Wit in School Bus stops. And the one who sings FRIDAY

                       Mr. and Mrs. Black – the parent of Rebecca. Who always in the rush in the morning for their business

                       Lucas - The person in the Front Of the Car. Friends of Rebecca. The person who Rebecca’s waiting in the bus stop.

                    Robert– The person in the Backseat Of the car. Friends of Rebecca . The person who Rebecca’s waiting in the bus stop..

                      Melissa - The Girl in the front seat . Friends of Rebecca.  The person who Rebecca’s waiting in the bus stop. And  the person who with Rebecca in Friday party.

                      Dian – the girl in the back seat .Friends of Rebecca. The person who Rebecca’s waiting in the bus stop. And the person who with Rebecca in Friday party.

                


                      Clarence Jay -  The one who talks with Rebecca on what happen in Monday , Tuesday , Wednesday , Thursday and to Remind to Rebecca about Friday. In Short He investigate Rebecca’s Experience.